Linggo, Marso 1, 2015

PALAWAN


Ang Palawan ay pulong lalawigan na matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon. Lungsod Puerto Prinsesa ang kabesera nito. Ang mga pulo ng Palawan ay mulang Mindoro hanggang Borneo sa timog-kanluran. Ito ay nasa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilagang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan. Ang Palawan ay hango sa pulong Palawan na siyang pinakamalaking pulo sa lalawigang ito
Nahahati ang Palawan sa 23 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Palawan ang Abutan, Agutaya, Araceli, Balabac, Bataraza, Brooke's Point, Busuanga, Cagayancillo, Coron, Culion, Dumaran, El Nido, Kalayaan, Linapacan, Magsaysay, Narra, Quezon, Rizal, Roxas, San Vicente, Sofronio Española, at Taytay. Puerto Prinsesa ang nag-iisang lungsod nito.


MGA MAGAGANDANG TANAWIN

"El Nido"

- Ang El Nido (Bacuit) ay kabilang sa ikaapat na antas ng munisipalidad sa lalawigan ng Palawan. Ayon sa census 2000, ang El Nido ay may populasyong 27,029 katao sa 5,191 kabahayan. Ang El Nido ay isang santuwaryo ng mga yamang dagat, na binubuo ng 45 maliit na isla.
May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang El Nido ay unang tinirahan ng mga sinaunang tao noong 2680 BC. o 22,000 taon. Ang teoryang ito ay pinatunayan sa mga yungib na matatagpuan sa mga isla nito.


"Puerto Princesa Underground River"


- Ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan ay opisyal na naitala bilang wetland of international importance ng Ramsar Convention on Wetlands.

Kahit pa na ang designation date ng PPUR bilang Ramsar site ay noong nakaraang June 30, 2012, ay sinabi ni Secretary of Environment and Natural Resources Ramon J. P. Paje “na ang anotasyon sa Pilipinas sa pagkakaroon ng limang sites at ang designasyon sa PPUR bilang Ramsar Site No. 2084 ay opisyal na nakumpirma sa pagiging wetland of international importance”. Ito ay matatagpuan sa website ng Ramsar Site Information Service www.ramsar.org.

Ang iba pang apat na lugar sa Pilipinas ay ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Mindanao, ang Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro, ang Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu, at ang Tubbataha Reefs National Park na matatagpuan sa Palawan rin. May kabuuang 154,234 hectares (1,542.34 square kilometers) ang limang sites.

Ang naturang deklarasyon ay dagdag karangalan sa PPUR na isang UNESCO World Heritage Site at isa sa New Seven Wonders of Nature.

Ayon pa rin sa environment chief, bagaman walang monetary prize ang pagiging opisyal na Ramsar site, ito diumano ay maaaring maging sanhi ng mga teknika, pinasyal at anumang uri ng assistance upang mapanatili at mapag-ibayo pa ang kagandahan ng naturang site.

Ang pagkakasali ng PPUR sa naturang prestihiyosong listahan ay sa ginawang nominasyon ng Protected Area and Wildlife Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Disyembre 2011 dahil sa kakaiba at mayaman na biodiversity nito. Ang naturang nominasyon ay ipinirisinta sa isang kumperensya na ginanap sa Bucharest, Romania.

Ang Ramsar Convention ay isang international treaty na naglalayong protektahan at konserbahan ang mga naiiwang wetlands sa mundo. Isa ang Pilipinas sa 119 bansang signatory sa naturang treaty na ginanap sa lunsodng Ramsar noong 1971


MGA SIKAT NA PAGKAIN

"Lato"


Ang mga Palawaeños maghatid ang ulam na ito bilang sariwang hangga't maari, dahil ang pagbaha ito ay, ang crispier ito. Mga uri ng seaweeds ay katutubong sa isla ng palawan at maaari lamang harvested sa kanilang tubig. Ang "Lato" ay kilala rin bilang seagrapes at maaaring sila ay matatagpuan sa lahat ng mga merkado sa Puerto Princesa City.

"Tirik"

Mas mahusay na kilala bilang sea urchin. Itong pagkain ay isa lamang inihanda sa pamamagitan ng pag-ihaw ang mga urchin sa mga embers ng karbon o sunog na hindi mahaba sapat na ang spines ng urchin at alisin ang mga berdeng hindi nakakain bahagi sa gayon ay ang dilaw na itlog ng isda na ang nakakain bahagi naiwan sa panloob na aporo ngbpader ng urchin. Urchin ay pinaka mahusay na harvested sa panahon ng buong buwan at bagong buwan oras at kapag ang tides ay mababa.


MGA PISTA SA PALAWAN

Balayong Festival

Sa pista na ito, nagtatanim sila ng mga Balayong, kilala din bilang Palawan Cherry Blossoms. Sila din ay gumagawa ng mga damit na punong-puno ng balayong at ginagamit ito sa kanilang sayawan. Mayroon din silang mga contest kung saan ang may pinaka-magandang balayong ang mananalo. Dito nila nai-papakita ang kanilang kagalingan sa pag-alaga ng mga halaman at mga bulaklak. Dito din nila nai-papakita ang kanilang kalinisan sa paligid.

Baragatan festival 

Sa Pista na ito, nagtitipon-tipon ang mga tiga-Puerto Princesa upang i-celebrate ang magandang pagsasama nila. Dito ay nagkakaroon ng mga sayawan, contest at iba pang mga activity. Sabay-sabay din silang nagkakainan at nagbibigayan ng mga regalo. Dito nila ipinapakita ang kanilang maayos at matagal na pagsasama. Bago naman mag-tapos ang araw ay nagkakaroon ng street dancing kung saan nagpipintura sila ng kulay asul sa kanilang katawan. Pagkatapos ay sasayaw sila ng mga interpretative dance.


Links..

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgXCcCdsluIaBIgKtEg6d4HNZHB1l_XLBPgoxwfIB5I5GOX_ZuNYcURKwIBKzatqs-UgFSUWVuBTBM8gGS4_IMnPK_0qvuzxSL0SRuTKpKW2hiB3IUQ9HAinm8ehISBehuI12N8mDFhd2c/
s1600/images-2.jpeg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgnxS_VLUXHIAOnF6zbO69G4zxcP9kfxChswI6xcXmgj9_hUWdOUGWFLUH4sPQ1syefdPhBObnwWLPnD29jTPiCVG5agtcTkgrRlccXh9UU_xt0Sk3h_d50gUZMYadWmuGwcUcf8WcYHRQ/s1600/images-4.jpeg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg9xAmyA4nENzYZmITphv0dGihWdMqsKW7tXbv_-xIPM5l8EPyFmM6bsz0YQjoy0UCw-6JIWIkbzDlSC47oTX-w0x-obZlkli-worty6K9GbUZ4uyyjSoybABfbRBnhlZIh2QkFQALVHCM/s1600/p-1.jpeg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh6Z0VgFc665meDAyf4jfi0QKhwEPRRuHKW9pGho-04gWuVTLeq_iszV1xqf0c_N4x7j4-evdAWaKKih5OIOlsUiuhbKn_SNAxWhlJgJjfCQgAY5Secw8wM0Pxi0rN0he8z-9Ol7iZJ4xQ/s1600/p.jpeg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhWQTKxK3GOK2aq7IZzZhgQVxmlaEFhnu97OpF9ZkrZ7egCWGOh6WvV2qYIA1ZB3GxPRACjave1-1stTa0Gb6PxnAam_RKwq9tojDcEccSHHBKTQH6i2eCPI0CqgDlri_enVZIFRFnbIU0/s1600/images.jpeg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiU2PgOZvbHScKqJHHH3lsBVSAGWV8DFhcGYgnJT4EH1vTgR_p45j5YMlAPvKSGjRMbbPcb4mVy3qiQYQevYgghn-u6H6S165NReViWkHHCUI9tUOqIX4Hd0qxOyVPXbcAvIdx6Cj_SIJ0/s1600/puerto-princesa-festival-3.jpg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhqon81-ORTkw51Ke-qU33d4JZObsJEXnmCejVJ4KzyoZUsAJ5iAJStXiyWj51wiyJviJLeLLSyRf52SENybxGY11v9a3uW_U-3A5VuKYeE7nL5_5Les8jYAPlc_Lsq-U8UhRUp4yXZZ4E/s1600/baragatan-1-1.jpg

--------------------------------------------------

Pangkat 4

Robosa, Vivien Angelique
Binay, Ma.Conception
Heray, Jennielyn
Sedano, Jara
Osias, Patricia
Anading, Angeline
Egera, Shiela
Baldonasa, Ryanjay
Conception, Cyren
Pongpong, Robert
Castilla, Sean

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento